Sa panahon ngayon normal na ang mga batang pumapasok sa relasyon sa hindi tamang edad at panahon. Akala nilay napakasarap sa pakiramdam ngunit hindi nila alam ang mga bagay na pwdeng mangyari sa kanila. Bilang isang kabataan hindi tama o wala tayong karapatan na pumasok sa isang seryosong relasyon habang tayo'y nagaaral.
Napakasarap eenjoy ang pagiging kabataan na ang iniiisip at pamilya, pagaaral at kaibigan. Lahat ng bagay may mga tamang panahon lahat ng bagay may nakalaan. lalo sa isang seryosong usapan pag dating sa pakikipagrelasyon. Matuwa ka kung ang mga magulang mo ay pinipigilan ka sa aspitong ito dahil ang nais lang naman nila ay mapabuti ka.Minsan ang problema sa kabataan mapagalitan lang ng kaunti mapuna lang ng kunti nagtatampo na agad sa magulang at naghahanap ng taong magmamahal sa kanila. wag tayong maging sinsetibo mahalin natin ang mgaulang natin at dapat alam natin ang responsibilidad natin bilang anak. wag mo ng pumasok sa relasyon habang nagarral hindi makakbuti iyon
Wednesday, September 17, 2014
Pera o Pamilya
Pera o Pamilya Maraming nagsasabing ang pera ay parasa aking pamilya kaya uunahin ko muna ang pera at ito'y para naman sa kanila. Maraming ang nakikipagsapalaran sa ibang lugar mas pinipili nilang hindi makasama ang kanilang mga pamilya para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak or asawa.
Ngunit ano nga ba ang mas mahalaga ang Pera o Pamilya?
Napakaimportante ng pera para tayo'y mabuhay ng maayos at masagana, para makuha natin ang mga bagay na gusto natin pero hindi natin napapansin na sa kabila ng gusto nating marangyang buhay para sa sating sarili at sa ating pamilya. Nakakalimutan natin na may mas mahalaga pa kesa sa pera at yun ay ating pamilya mas higit na magkaron tayo ng pamilyang masaya, nagkakaunawan, may pag ibig sa isa't isa at may Christ sa pamilya. Hindi ba't mas mahalaga ang magmamahal kesa sa pera?
Ang masaya ang pamilyang kahit hindi nila nakukuha ang lahat ng gusto nila pero subra-sobra sila sa pagmamahal sa isa't isa kesa sa pamilyang lahat nakukuha maliban sa pagmamahalan ng bawat isa.
Subscribe to:
Posts (Atom)